Jerome's Message Wall

No messages.

About Jerome

No user info supplied.

Jerome's Friends

No friends visible to you.

Latest Submissions

No Recent Submissions

Movies Jerome Wants to See

No Want to See selections yet.

TV Seasons Jerome Wants to See

No Want to See selections yet.

Jerome's Recent Ratings

Movies | TV seasons
No Other Woman

No Other Woman

(2011)
15 months ago via Rotten Tomatoes

Kung manonood ka nito kasama ang shota o misis mo, siguruhin mong handa ka sa mga kurot na tanong na "Baka ginagawa mo rin ito ha!" sa tuwing merong eksena sina Derek Ramsay at Anne Curtis. Sa mga eksenang naglalaplapan silang dalwa, sa sandaling magpakita ka ng atensyon e patay ka't kukwestyunin ang kaligayahang nararamdaman mo sa panonood ng mga nagtataksil. At kung manonood ka naman nito na ang kasama mo e ang side project mo, baka naman makonsensya at mapurnada pa. At kung manonood ka namang mag-isa nito, e bakit ito pa panonoorin mo e tutal wala ka namang kasamang bubae? Kung akala mo e maililinya mo ito sa mga ST o TF noong araw, e maghanap ka na laang ng black and white na brochure ng mga undergarments at mas me mahihita ka pa run. Isa laang ang konklusyon: Pambubae talaga ang pelikulang ito.

Ilang random notes:

Nakakailang ang maraming eksenang parang nawawala ang labi ni Anne Curtis dahil sa banong make up. Pag nanonood ako ng pelikula, ayokong nagte-turn on ang Joan Rivers mode sa pinapanood ko at pinoproblema ang make up at damit ng mga artista. Love story na nga, palalabasin pa nang todo ang feminine side ko dahil kinukunsumisyon ako ng makeup.

Paborito kong mga linya na galing sa nanay nung bidang bubae, na ginampanana ng seksi pa ring Carmi Martin: "I-pack up mo na 'yang Lucy Torres mo at ilabas mo ang Gretchen Baretto mo!"

Sang-ayon ako sa linyang ito. Maganda si Lucy Torres, pero nuknukan ng boring. Ano kaya ang pakiramdam ng mag-asawang Richard at Lucy sa linyang ito? Aminado kaya silang boring si Lucy? Napaisip kaya si Lucy na nambububae si Richard? Me nakaraan ba sina Goma at Greta at silang dalawa ang pinagkukumpara? Naisip kaya ni Gretcheng, bagama't compliment yung hindi siya boring e, muka naman syang keridahin sa dating ng linya? Pero, tamang-tama talaga 'yun. Boring to death si Lucy at mas may anghang si Gretcheng merong picture na nakikipaghalikan ke John Estrada.

Ngayon ko laang napanood si Derek Ramsay sa isang pelikula. Meron syang eksena rung wala siyang pang-itaas. At tama ba ang namataan ko? Meron syang TRAMP STAMP?! Para sa hindi nakakaalam ng kung ano tramp stamp, ito e isang tato sa balakang na karaniwan e pahaba't papalupot sa bewang. Slag tag rin ang tawag rito at kaya ganito ang tawag rito e dahil pambubae ito at para sa mga pokpoking bubae ang gayon -kaya't tramp stamp at slag tag ang tawag. Imagine-in nyo ang bubaeng merong tramp stamp habang nasa doggie style. Iyon ang silbi nun.

Si Derek "Na Napakapogi't Macho" e merong tramp stamp?! Sa tunay na buhay ba yaon o sa karakter nya laang sa pelikula? Kasi kung karakter nya laang yun at makeup laang, meron akong nakikitang dahilan kung bakit meron sya nun. Kaya sya galit na galit sa tatay niya e dahil nasangkot sya sa mga panloloko nito sa business noon. Nakulong si Ram (Derek Ramsay), pero hindi ang tatay niya. At doon sa oblo, dahil napakapogi niya e, sya ang dinamitan ng daster at ginawang parausan. Naging prison bitch sya roon, in short. At dun na rin sya minarkahan ng tatong yaon dahil sya ang tramp sa preso. Paglabas niya, nagpalaki sya ng katawan para malimutan ang mapait na sinapit. At nalaman pa niyang iniwan sila ng tatay niya kaya't ganun na laang ang pagkapoot nya sa tatay niya.

Pero, kung tunay na tato ni Derek 'yun, mapapagamit ako ng acronym ng mga kabataan ngayon -WTF?!

Sa eksena sa pool kung saan tinitigan ni Cha si Anne Curtis habang hinahalikan si Ram, pihado akong lahat ng lalaking nakapanood ng pelikula e naniniwala o at least e umaasang mauuwi iyon sa threesome. Hindi.

Umarkila na laang kayo ng 'Wild Things'.

Sucker Punch

Sucker Punch

(2011)
23 months ago via Rotten Tomatoes

Must-have OST! Tigas-pangang aksyon! Mga bubaeng nakamaigsing damit!

Jerome's Badges

Intel Hollywood Star Program (July 2012 - December 2012)
Total Actions:
Find us on:                     
Help | About | Jobs | Critics Submission | Press | API | Licensing | Mobile